start your own blog now!
 
Read other blogs...

Lungga ni Aye

where the thoughts of a frantic being reside

Ang May Sala

Blogger:
Name: ayesha
23; daysleeper; fascinated with the stars above; H20 addict; chocolate maniac; underweight

Contact me
My profile
Linkme
Subscribe to this blog

Online Right now!

Counter

visited *loading* times

Sunday, 23 September 2007
Hayskul Drama

Nung nasa 2nd year high school ako, isinadula namin ang pelikulang "The Killing Fields" - Tungkol sa civil war sa Cambodia nung dekada sitenta. Kung pano naghirap ang maraming Cambodians sa gitna ng digmaan at kung pano "isinalba" ng Amerika ang mga Cambodians na "biktima" ng mga komunista.

Bago namin to sinadula, pinanood muna namin to sa VHS, ang pelikulang likha nung 1984. Mahaba. Dahil may subtitle, mano-manong kinopya ng kasama ko ang script at dalawa kaming nagsilbing direktor ng dula. Nakakatawang karanasan. Pero kung ano ang isinasadula namin, walang umintindi.

Naalala kong tinanong ko tatay ko, "Kung masama ang komunismo, bakit may mga nakikipaglaban para dito?"

Sagot nya "May mga dahilan na hindi ipapakita sa pelikulang yan".

At ngayon ay nauunawaan ko na.

posted by: ayesha at 06:34 | link | comments (3) |

Wednesday, 12 September 2007

"We are sorry that our president is an idiot, we did not vote for him"

(on an american clothing label, in french)

From Oddee

posted by: ayesha at 02:46 | link | comments (1) |

Sunday, 02 September 2007
Si Bob Ong Nanaman?

Oo. Si Bob Ong nanaman ang paksa ng entry na to. Hindi ko siya unang beses binanggit pero ngayon palang ako magsusulat tungkol sakanya.

At sangkatutak na entries na sa blogosphere ang naisulat tungkol kay Bob Ong - ayon sa matches ng Google.com. Hindi ko nalang sila babasahin para hindi ko makalimutan ang sarili kong opinyon.

Nagustuhan ko ang ABNKKBSNPLAko? - Ika nga ni Ronel, isa naming kasama nung nasa college pa ako, si Bob Ong ay isang social critic. Magaling ang pamamaraan sa pagsasalita, bago sa marami ang mala-direktang pag-abot sa mambabasa.              

Binasa ko ang "Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino", "Paboritong Libro ni Hudas" at "Stainless Longganisa" - ayos naman, magaling parin pero di tulad ng unang libro, medyo mahirap tapusin... dahil fluctuating ang pagkainteresante ng tinatalakay.

Nung nakaraang Rest Day ko.. binasa ko ang dalawa nyang fiction. Inuna ko ang "Alamat ng Gubat" gawa ng nauna pa nga dapat to sa Stainless.

Ayon kay Bob Ong, larawan ng lipunan ng Pilipinas ang pinapakita sa kwento ng Alamat ng Gubat - magandang pakay pero kahit maiksi ang kwento... mahirap tapusin dahil isang struggle basahin ang librong ganun ka-corny.

Gusto ko ang pagpapatawa ni Bob Ong - natural, parang walang effort pero hindi sa "Alamat ng Gubat". Nung nasa huling pahina ako, nagduda pa ako kung may nakaligtaan akong pahina, dahil biglaan ang pagtatapos.. at dun ako'y napa- "huh?!". Tinext ko si Mark A., at sinabing hindi ko alam kung pang-unawa ko ang may problema o talagang pilit ang ending ng Alamat. Tinanong niya kung mala-European ba na hanging. Sa palagay ko hindi - marami rami narin akong nabasa at alam ko na ata kung ano ang hanging sa "yun na yun??" na tipong pagwawakas. **buntong hininga. dighay.. singhut*

Binuksan ko ang Macarthur - mabilis kong natapos. Fiction parin. Oo, karaniwang paksa pero mabigat na paglalahad, mahusay ang paglalarawan ng setting at nararamdaman ng mga tauhan. Para sakin, ang daloy ng salita, umabot sa antas ng tanyag na sina Lualhati Bautista at Jun Cruz Reyes. Pagkatapos basahin, napatanong ulit ako... Bob Ong ba to?

Natypecast ba talaga si Bob Ong sa isang klase ng pagususulat kung kaya ako nagtataka?

Posible bang magawa ng isang manunulat ang maging completely different persona?

Sabi ni Leizelna kanina, kung magbabasa daw siya ng isang libro ni Robert Ludlum, malalaman nyang si Robert Ludlum yun kahit hindi nakasulat ang pangalan ng author. Ang dating, eh natural na makikilala ang manunulat sa kanyang mga gawa. Pwede maiba, dugtong ni Leizelna. Yun ay kung pipilitin ng may akda lumihis ang kanyang uri ng pagsusulat. Magaling kung ganun. Kasama ang intensyon ilaglag sandali ang nabuong identidad.

Eksperimento? Malamang.

Ibang tao? Hmm..

Para kay Bob Ong, kung buhay ka pa nga (at hindi tutuo ang nabalitaan ni Makoy).. hwag mong ipaliwanag. Hayaan mo kaming magtaka.

Yan ang panitikan.

posted by: ayesha at 06:25 | link | comments |

Recent comments

Mo'nonymous on Die, you Slapsticks!

 

 My profile Contact meayesha